DOH , hindi irerekumenda ang pagbili ng karagdagang bakuna
May sapat na COVID- 19 vaccine sa bansa hanggang sa katapusan ng taon.
Kaya naman ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, hindi nila irerekumenda sa papasok na Marcos administration ang pagbili pa ng dagdag na bakuna.
Bago matapos ang 2022, may mga inaasahan din aniyang darating na bakuna mula sa Covax facility.
Mangangailangan lang aniyang bumili ng bakuna kung bubuksan sa below 5 years old ang bakunahan dahil reformulated ang bakuna para sa kanila.
Ayon kay Cabotaje may humigit kumulang 2 milyong doses ng COVID- 19 vaccine na napaso at nasayang.
Madelyn Villar – Moratillo
Please follow and like us: