Pagbisita ng European Envoys kay President Elect Bongbong Marcos naging makabuluhan
Naging makabuluhan ang courtesy call ng ilang European envoys kay President-elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Malugod na tinanggap ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa kaniyang headquarters ang mga ambassador mula sa Spain, Morocco at Germany.
Tumutok sa isyu ng seguridad sa pagkain, climate change, renewable energy at iba pang mahalagang usapin ang pagbisita kay PBBM nina Ambassador of Spain to the Philippines Jorge Moragas, Morocco Ambassador Mohammed Rida El Fassi at German Ambassador Anke Reiffenstuel .
Bukod sa pagpapaganda ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Germany ay ibinahagi rin ni Reiffenstuel ang napag-usapan nila ni PBBM ukol sa Climate change.
Sinabi nito kay PBBM ukol sa 25 million Euro donation para sa climate change-related projects sa Pilipinas.
Maging ang food security na isa sa prayoridad ng bbm administration ay natalakay din ng dalawa sa harap pa rin ng patuloy na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Nabanggit ng Ambassador kay PBBM ang napipintong International Ministry Conference on Global Food Security na gaganapin sa kanilang bansa.
Bukod sa Climate Change at Food security ay tinalakay din nina PBBM at Reiffenstuel ang isyu sa Renewable energy, Human rights, Maritime at iba pa.
Eden Santos