Pagbisita ni Pangulong Duterte sa main battle area sa Marawi City lalong nagpalakas sa moral ng tropa ng pamahalaan ayon sa Malakanyang
Lalong tumaas ang moral ng mga sundalong patuloy na nakikipagbakbakan sa mga teroristang Maute group sa Marawi City nang personal na nagtungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa main battle area.
Sa Mindanao hour sa Malakanyang sinabi ni Armed Forces of the Philippines o AFP Spokesman Restituto Padilla na malaking morale boaster ang ginawa ng Pangulo bilang Commander in Chief.
Ayon kay Padila pinuntahan ng Pangulo ang isang snifer nest ng militar sa main battle area at pinaputukan pa niya ang lugar na pinagtataguan ng mga terorista.
Inihayag ni Padila na malapit ng mabawi ang buong Marawi City sa kamay ng mga terorista dahil ang stronghold ng Maute group ay nasa kalahating kilometro kuwadrado na lamang.
Nangako ang tropa ng pamahalaan sa Marawi kay Pangulong Duterte na tatapusin na ang laban sa lalong madaling panahon.
Ulat ni: Vic Somintac