Pagbisita ni Prince William at asawang si Kate, sinalubong ng protesta
Nagtipon ang mga demonstrador sa Kingston, Jamaica upang i-protesta ang opisyal na pagbisita doon nina Prince William at asawang si Kate, Duchess of Cambridge at nag-demand na ang mga ito ay humingi ng paumanhin sa kanilang papel sa slave trade.
Dumating sa kapitolyo ang Duke at Dukesa ng Cambridge para mamalagi doon ng tatlong araw, na bahagi ng isang mas malaking royal Caribbean tour, bilang pagkilala sa ika-70 taong anibersaryo ng koronasyon ni Queen Elizabeth II.
Gayunman, bago pa dumating ang mag-asawa ay nagtipon na ang mga protesters sa labas ng British High Commission bitbit ang mga placard, na nagde-demand ng bayad-pinsala at paumanhin mula sa monarkiya dahil sa naging papel nila sa slave trade, na naging sanhi para daan-daang libong mga Africano ang dalhin sa isla at makaranas ng hindi makataong pagtrato.
Ayon kay Clement ‘Jawari’ Deslandes, isa sa protesters . . . “It was a slap in the face of my ancestors for a ‘royal person to be coming here with no concern, no remorse in their heart.’ They have this gentry privilege… that they can just walk up here and we must just lay a red carpet for them. Those days are over. I am here to represent my ancestors, all those who died in slavery and got murdered because of white people’s oppression.”
Ang pagbisita ay ginawa rin sa gitna ng mga panawagan na sumunod na ang Jamaica sa Barbados at maging isa nang republika, sa pamamagitan ng pagtalikod sa reyna bilang pinuno ng estado.
Una nang kinansela ng mag-asawa ang kanilang pagbisita sa isang village sa Belize sa simula ng kanilang Caribbean tour, na ayon sa mga ulat ay kasunod ng reklamo ng Indigenous community doon.