Pagbuo ng truth commission na mag-iimbestiga sa mga naging pag-abuso noong panahon ng gobyernong Marcos, isinulong sa Kamara

Isinusulong ni Kabayan Rep. Harry Roque na magkaroon ng truth commission na mag-iimbestiga sa mga naging pag-abuso noong panahon ng rehimeng Marcos.

Si Roque ay pabor na tanggapin na ng gobyerno ang alok ng pamilya Marcos na ibalik ang bahagi ng kayamanan nito.

Sinabi ni Roque na bagaman nais niyang magkaroon ng pananagutan sa tinatawag niyang kleptocracy noong panahon ng rehimeng Marcos ay mukhang imposible na ito.

Tatlumput isang taon na ang nakalipas pero wala pa ring nangyayari sa lahat ng pagtatangka na panagutin ang mga Marcos.

Ayon kay Roque, mas mabuti nang mabawi ang bahagi ng ill gotten wealth ng mga ito para magamit na sa mga programa ng gobyerno tulad ng itinutulak niyang universal health care.

Pero iginiit ni Roque kailangang magkaroon ng truth commission para malaman pa rin ang lawak ng pag-abuso at pagnanakaw sa kaban ng bayan  noong panahon ng rehimeng Marcos.

Kailangan pa ring lumabas ang katotohanan dito para magsilbing leksiyon sa buong bansa at maitatak ang tamang impormasyon  sa kasaysayan ng bansa.

Ulat ni: Madelyn  Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *