Pagbusisi sa 2018 National budget sisimulan na ng Kamara
Sisimulan na ngayong araw ng House of Representatives ang pagbusisi sa ₱3.767-trilyong National Budget na hinihingi ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Unang sasalang sa pagdinig ang Development Budget Coordination Committee na magbibigay ng briefing patungkol sa economic targets, annual government expenditures at tamang alokasyon.
Ang briefing ay pangungunahan nina Budget and Management Secretary Benjamin Diokno; National eEconomic and Development Authority Secretary Ernesto Pernia; Finance Secretary Carlos Dominguez at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor Espenilla Jr.
Hinimok naman ni House Committee on Appropriations Chairman Rep. Karlo Alexei Nograles ang mga kapwa mambabatas na pag-aralang mabuti, ang Budget proposal upang masiguro na ang pondo ay pakikinabangan ng taumbayan.