PAGCOR ginisa sa pagdinig ng Senado dahil sa license to operate ng E-sabong
Umarangkada na ang pagdinig ng Senate Committee on Public Order sa kaso ng pagkawala ng tatlumput isa katao na umanoy dawit sa Online sabong.
Sa pagdinig umapila si Senador Ronald bato Dela rosa sa mga kamag anak at sinumang may alam na impormasyon na lumantad na at tumulong sa mga paghahanap ng katotohanan.
Ayon sa Senador nakakabahala ang addiction sa online sabong na ginagawa 24/7 na mas madali ngayon dahil sa pamamagitan na lang cellphone at internet.
Marami na aniya ang nalulong at nalubog sa utang dahil sa E sabong kung saan pati mga menor de edad nadadawit dahil hindi naman physically ang mga tumataya sa ganitong uri ng sugal.
Nakakakabahala aniya dahil pati ilang pulis nasangkot na sa pagnanakaw at panghoholdap dahil lubog na sa utang dahil sa sabong.
Kinukwestyon naman ni Senador Grace Poe ang PAGCOR bakit binigyan ng license to operate ang lucky 8 na nagpapatakbo ng e sabong.
Sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo sinabi ni Poe na tatalakyin nila kung naayon nga bang mabigyan ng prangkisa ang isang pasugalan tulad ng lucky 8.
Meanne Corvera