Pagdaraos ng misang katoliko sa mga Korte, labag sa konstitusyon ayon sa isang Supreme Court Justice
Kinontra ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang desisyon ng Korte Suprema na payagan ang pagdaraos ng misang katoliko sa mga hukuman.
Sa kanyang dissenting opinion, inihayag ni Leonen na labag sa saligang-batas at isang discrimination ang pagpayag sa mga kawani ng korte na magdaos ng misa sa loob ng isang public building gaya ng hall of justice o hukuman.
Ayon pa kay Leonen, ang mga religious rituals ay dapat isagawa sa mga sambahan, kapilya, mosque, sinagoga at iba pang pribadong places of worship..
Pinapahina rin aniya nito ang committment ng hudikatutara na protektahan ang lahat ng religious beliefs.
Tinawag din ni Leonen na “painful illusion” ang pagtitiyak ng Korte Suprema na maari ding magsagawa ng religious activities sa mga hukuman ang lahat ng sekta o grupo ng relihiyon.
Kung nais anya ng mga hukom o court employees na magsagawa ng kanilang religious rituals ay dapat pumunta ang mga ito sa pinakamalapit na sambahan nila.
Ang desisyon ng SC na payagan ang misa pero ipagbawal ang mga paglalagay ng rebulto sa mga korte ay nag-ugat sa reklamo ng isang Tony Valenciano laban sa misang katoliko na idinaraos araw araw sa basement ng qQezon City Hall of Justice.
Ulat ni : Moira Encina