Pagdating sa bansa ng mga Astrazeneca vaccine, hindi tuloy ngayong araw
Hindi matutuloy ang nakatakdang pagdating sa bansa ngayong araw ng higit 500,000 doses na Astrazeneca mula sa Covax facility.
Ayon kay Health secretary Francisco Duque III, nagkaroon kasi ng kakapusan sa suplay ng nasabing bakuna.
Aniya, kakailanganin pang maghintay ng isang linggo para maihatid sa bansa ang Astrazeneca vaccine.
Statement DOH Sec. Francisco Duque:
“Hindi matutulyo ang pagdating ng Astrazeneca. Ang sabi ng WHO ay nagkakaproblema sila sa suplay. Maaantala pa umano ng mga isa pang linggo”.
Statement Vaccine Czar Carlito Galvez:
“Nakita naman natin na itong Astrazaneca ay pinag-aagawan sa Europe at developing countries. Naiintindihan naman natin at makapag-aantay pa tayo”.
Ang Astrazeneca at Sinovac ay nabigyan na ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA).
Batay sa evualuation ng FDA, ang Astrazeneca vaccine ay may efficacy rate na 70% sa unang dose pa lamang habang ang Sinovac ay may efficacy rate naman na 65% hanggang 91% sa mga indibidwal na may edad 18-59.