Pagdating sa bansa ng nalalabing 38,400 doses ng Astrazeneca vaccine, tiniyak ngayong araw
Darating na sa bansa ngayong araw ang nalalabing 38,400 doses ng Astrazeneca anti Covid-19 vaccine na balanse sa unang batch ng 487,200 doses ng bakuna na mula sa Covax Facility.
Ito ang tiniyak ni Senador Christopher Bong Go.
Muli namang nagpasalamat si Go sa mga opisyal ng Gobyerno na walang tigil na nagtatrabaho at gayundin sa mga International partners na patuloy na tumutulong para makakuha ang bansa ng mga bakuna.
Aniya, sa ginagawang rollout, inuuna muna ang mga frontliners para maproteksyunan sila ng bakuna sa pinaigting na laban ng bansa kontra COVID-19.
Dagdag sa Sinovac na nauna nang dumating sa ating bansa, magkakaroon rin sila ng mapagpilian kung ano man ang gusto nilang bakuna.
Nakiusap naman ang Senador sa publiko na konting tiis na lang dahil ginagawa ng Gobyerno ang lahat para tuloy-tuloy na ang pagbabakuna sa mga Filipino.
Aniya, ang maayos na vaccine rollout ang tanging susi at solusyon upang tuluyang malampasan ang Pandemyang hinaharap natin.
Kailangan lamang aniyang magtiwala tayo sa bakuna pero huwag namang maging kampante dahil hangga’t hindi pa natin nararating ang Herd immunity, nandito pa rin ang banta ng COVID-19.
Meanne Corvera