Pagdedeklara ng State of Calamity dahil sa ASF outbreak maituturing na tagumpay para sa mga hog raisers – Senator Pangilinan
Tagumpay at resulta daw ng puspusang pagsusulong ng mga hog raisers at mga Senador ang ipinalabas na proklamasyon ng pangulo na pagdedeklara ng State of calamity dahil sa epekto ng African Swine Fever.
Ayon kay Senator Francis Pangilinan na isa sa pangunahing nagsulong ng hakbang sa pamamagitan nito ay magagamit na ang pondo ng mga local government units para makabangon ang local hog industry.
Sinabi pa ng Senador ,matagal nilang isinulong ang hiling ng local hog industry para sa deklaraayon ng state of calamity at nagpapasalamat sila na pinakinggan ito ng Malacañang.
Naniniwala ang mambabatas na ito ang pinaka epektibong paraan para mapabilis ang pagbangon ng mga nag- aalaga ay nagne-negosyo ng baboy.
Sa pamamagitan kasi ng state of calamity, maaring kumuha ng walong bilyong pisong pandagdag sa ayuda sa calamity fund ng gobyerno at quick response fund ng department of agriculture para sa mga hog raisers.
Para kay Senator Pangilinan,sapat na isang taon na pag- iral ng state of calamity para maresolba ang problema sa ASF at makabangon ang local hog industry.
Meanne Corvera