Pagdedeklara ng State of Emergency o Calamity dahil sa Food crisis, posible
Hindi inaalis ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang posibilidad na deklarasyon ng state of emergency o calamity dahil sa krisis sa pagkain.
Ito’y bilang tugon sa food security ng ating bansa.
Sinabi ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Incorporated o PCAFI na inatasan sila ni PBBM na pag-aralan ang deklarasyon ng nasabing state of emergency o State of calamity dahil sa food crisis.
Kapag nagdeklara nito, magagamit ni PBBM ang kailangang pinansyal na ‘resources’ para masigurong may sapat na pagkain para sa lahat ng mga Pilipino.
Please follow and like us: