Pagdevelop ng sariling bakuna laban sa COVID- 19, pinag-aaralan ng gobyerno
Pinag-aaralan ngayon ng gobyerno ang pagdevelop ng sariling bakuna laban sa COVID- 19.
Sa pagdinig ng Senado sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez itoy para hindi na kinakailangang umangkat ng bakuna sa ibang bansa.
Pero mas naka fcous aniya sila ngayon kung paano mako contain ang virus.
Kinumpirma rin ng Department of Health na may ongoing talks na para sa vaccine self reliance batay sa utos ng pangulo bilang long term solution sa pandemya.
Bagamat tumanggi munang magdetalye sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na hindi lang COVID vaccine ang target na gawin kundi ang iba pang bakuna para sa mga itinuturing na preventable diseases.