Pagdinig ng DOJ sa reklamo laban kay Senador Koko Pimentel, pansamantalang itinakda sa May 20
Nagtakda na ang Department of Justice (DOJ) ng tentative date ng pagdinig sa reklamo laban kay Senador Aquilino “Koko” Pimentel.
Ayon sa complainant na si Atty. Rico Quicho, sa kautusan ng DOJ, itinakda pansamantala ang preliminary investigation sa May 20.
Inatasan din si Quicho ng kagawaran na humarap sa DOJ, limang araw matapos ang Enhanced Community Quarantine.
Pinaghahain ng DOJ ang abogado ng hard copy ng kanyang reklamo at panumpaan ito.
Samantala, inihayag ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na nakatakdang ipalabas ngayong Martes ang subpoena para kay Pimentel.
Ang kaso laban sa Senador ay nag-ugat dahil sa pagtungo nito sa ospital para samahan ang buntis nitong asawa gayong may sintomas na ito ng Covid-19 at naghihintay ng resulta ng kanyang test.
Iginiit ni Quicho na nalagay sa peligro ang kalusugan ng mga Healthcare workers at publiko na nakasalamuha ni Pimentel lalo na’t kalaunan ay nag-positibo ito sa Covid-19 dahil sa ginawa nitong paglabag sa Quarantine.
Ulat ni Moira Encina