Pagdinig sa kasong pag-aabuso sa kasambahay na si Elvira Vergara ipinagpatuloy ng senado
Ipinagpapatuloy ng Senate Committee on Justice ang pagdinig sa kaso ng pang aabuso sa kasambahay na si Elvira Vergara sa Occidental Mindoro.
Sa pagdinig ng senado, sa pahintulot ng biktima, ipinakita ng mga doktor na sumuri kay Vergara ang picture ng CT Scan, Xray at MRI sa mga fructure sa katawan ni vergara.
Sa X-ray sa kanyang ulo, sinabi ng mga doktor na tumabingi ang mukha ni vergara dahil sa matinding trauma dulot ng pagpalo at iba pang paraan ng pananakit sa kanya.
Dahil sa matinding fracture sa kanyang bungo, naapektuhan rin ang dalawang mata ni vergara kaya ito nabulag.
“Pag severe po ang fructure, pwede pong ma damay ang globe o ang bilog ng mata. actually yung left eye nag shrink siya pwede ang cause nagkaroon ng previous injury previous trauma kaya nabutas kaya siya nag-shrink” paliwanag ni Dr. Airene Oloroso
Ayon sa mga doktor, bulag na ang kaliwang mata ni vergara habang ilaw na lang ang nakikita ng kanyang kanang mata at mahihirapan na itong maisalba
Nabasag rin ang lahat ng kaniyang mga ngipin dahil sa lakas ng pagkakasuntok
Nai-refer na si Vergara para sa pagsusuri ng mga eksperto sa Philippine General Hospital at ito na lamang ang hinihintay ng mga doktor doon
“Ilaw na lang po ang nakikita, your honor mahirap ang proseso napakadami niya injuries maliban sa lense pati retina may problema me pagdurugo… maliit pa rin ang tyansa na makarecover ang mata” kasunod na paliwanag ni Oloroso
Nagbigay naman ng commitment ang mga senador na sasagutin ang gastusin sa operasyon ni Vergara
Humarap naman sa pagdinig ang mag-asawang dating Employer ni Vergara.
Pero itinanggi nina France at Pablo na minaltrato nila ang kasambahay at hindi pinapasweldo
May mga sugat at pasa anila ang kasambahay dahil nakipag away umano sa mga kapwa kasambahay.
“Hindi po totoo yon may gusto po siya kay JM sa katunayan pati bubong sinunog ng ate Elvie nagseselos sa tindera namin. Hindi ko po alam ano nangyayari sa kanila lagi din kami sa biyahe mag-asawa tuwing makalawang araw nasa biyahe kami” pahayag ni France Ruiz
Nang pumasok rin itong kasambahay may mga puti na umano ang mata nito na senyales ng catarata na hindi kinagat ng mga senador
“Kasi po ano lang sugat lang sa bandang gilid ng mata hindi po ha nabulag na sana agad agad your honor nangyari pumasok may puti puti na gilid ng mata niya your honor.” dugtong pa aniya.
“Hindi ka naman doktor paano mo masasabi na may puti puti maayos ang itsura nya nung pumasok pati si ma’am liza nagpapatunay na maayos ang itsura nya” paliwanag ni senador Jinggoy Estrada
Hindi naman sumipot sa pagdinig ang isa sa mga anak ng mag-asawa na isa sa sinasabing nanakit sa kasambahay
Dahil dito, isinulong ni senador Jinggoy Estrada na isyuhan ng warrant of arrest ang anak ng mag-asawang ruiz na inaprubahan ng komite
Meanne Corvera