Pagdodonate ng Pilipinas ng anti COVID-19 vaccine sa Myanmar tuloy parin – Malakanyang
Kasalukuyan pang pinoproseso ang mga legal document kaugnay ng pagdodonate ng Pilipinas ng anti COVID-19 vaccine sa bansang Myanmar.
Sinabi ni Acting Presidential Spokesman Comunications Secretary Martin Andanar na ipinadala na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa Office of the President para sa kaukulang pagpapatibay ang sulat nina Health Secretary Francisco Duque III at National Task Force o NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na may kaugnayan sa pagdodonasyon ng Pilipinas sa Myanmar ng anti COVID-19 vaccine.
Ayon kay Andanar, kailangang dumaan sa ligal na proseso at proper documentation ang mga anti COVID-19 vaccine na idodonate ng Pilipinas sa Myanmar dahil ang mga ito ay binili ng gobyerno.
Inihayag ni Andanar na tanging ang Office of the President ang may karapatang magbigay ng go signal para sa kaukulang disposiyon sa mga government property kabilang ang procured anti COVID-19 vaccine.
Batay sa report, idodonate ng Pilipinas sa bansang Myanmar ang mga biniling anti COVID- 19 vaccine na malapit ng mag-expire para hindi masayang.
Vic Somintac