Paggamit ng face mask at face shield, matatagalan pa – IATF
Matatagalan pa bago tuluyang matanggal ang pagsusuot ng face mask at face shield sa bansa.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 Adviser Dr. Ted Herbosa na sa ngayon ay nasa 12 milyon pa lamang ng mga Filipino ang nabakunahan.
Ayon kay Dr. Herbosa, 9 milyon ang nakatanggap na ng first dose habang 3 milyon naman ang fully vaccinated.
Inihayag ni Dr. Herbosa maliit na porsyento pa lamang ang 4 percent na bilang ng mga bakunado kung ikukumpara sa target ng pamahalaan na 50 percent o 50 milyong mga Pinoy ang dapat mabakunahan bago tuluyang magluwag ng quarantine restrictions.
Dahil dito patuloy na hinihikayat ng pamahalaan ang publiko na magpabakuna lalo na yung mga senior citizen na hanggang ngayon aniya ay mataas ang vaccine hesistancy sa nabanggit na sektor.
Vic Somintac