Paggamit ng QR code para sa contactless monitoring ng mga palabas at papasok, sinimulan na sa Dingalan, Aurora
Ngayong unang buwan ng 2021 ay sinimulan nang gamitin ang QR code sa Dingalan, Aurora para sa contactless transaction ng monitoring sa Quarantine Control Point sa Barangay Tanawan.
Ang QR code para sa COVID-19 ay isa ring alternatibong pamamaraan, bukod sa nakasanayang paggamit o pagfill-in ng contact tracing form.
Kailangan lamang ipakita ng mga taga Dingalan ang sariling QR code sa Quarantine Control Point sa Barangay Tanawan, upang ito ay ma-scan at ma-irecord sa tuwing lalabas at papasok sa bayan ng Dingalan.
Ang pagkuha ng QR code ay libre.
Ulat ni Jenica Fernandez
Please follow and like us: