Paggamit ng single-use plastics, pinaiiwasan ng Korte Suprema sa mga nasa hudikatura
Hinikayat ng Supreme Court (SC) ang lahat ng mga hukuman at mga tauhan ng hudikatura na huwag gumamit ng single-use plastics sa pang-araw-araw na mga aktibidad at operasyon.
Ang single -use plastics ay gaya ng plastic bags, straws, cups, cutlery, plato at ood containers.
Ayon sa SC, ang mga ito ay pumipinsala sa kapaligiran, nagdudulot ng polusyon sa daanan ng tubig at sumisira sa mga yamang-dagat.
Sa Memorandum Order No. 74-2024, hinimok ang mga nasa hudikatura na gumamit ng sustainable materials tulad ng cloth bags, metal o bamboo straws, at mga reusable na plato, kutsara, tinidor at lagayan ng pagkain.
Ipinapakonsidera rin sa procurement officers sa mga korte na iwasan ang pagbili ng single-use plastics.
Ayon sa SC, kung kinakailangan at hindi maiiwasan ang mga plastik na produkto ay dapat na gamitin ito muli, i-recycle at itapon nang maayos alinsunod sa Ecological Solid Waste Management Act.
Moira Encina