Paggastos sa 165.5 bilyong pondo sa Bayanihan-2, inilatag ng Malakanyang
Inisa-Isa ng Malakanyang ang mga programa na paglalaanan ng 165.5 bilyong pisong Bayanihan 2 na ipinasa ng mga mambabatas ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
140 bilyong piso ay galing sa regular appropriations at ang 25.5 bilyon ay magsisilbing standby fund.
Kabilang sa may malaking bahagi ng pondo ay ang mga Government Financial institutions bilang capital infusion na nagkakahalaga ng 39.472 bilyong piso na naglalayong pondohan ang credit guarantee program ng Philguarantee, suportahan ang wholesale banking and equity ng Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines at bigyan ng dagdag na pondo ang CARES program ng iba pang lending project ng gobyerno.
Ikalawa may malaking parte ng pondo ang Department of Agriculture na nagkakahalaga ng 24 bilyong piso para suportahan ang plant plant plant project.
Nasa ikatlong pwesto na may 13.5 bilyong pisong pondo ang mga programa ng gobyerno na may kaugnayan sa pagtugon sa Covid-19 at Health related responses kung saan nakapaloob ang pagbili ng mga Personal Protective Equipment o PPE para sa mga medical frontliners kasama ang pagtatayo ng temporary medical isolation and quarantine facilities, field hospitals, mga dormitory para sa mga frontliner, at expansion ng government hospital capacity.
Nasa 13 bilyong pisong pondo naman ang inilaan para sa cash for work programs para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho.
Mayroon ding inilaang 9.5 bilyong piso para sa mga programa ng Department of Transportation o DOTr, 6 bilyong piso sa mga programa ng Department of Social Welfsre and Development o DSWD, 5 bilyong piso para sa hiring ng contact tracers, 4 na bilyong piso sa pagpapatupad ng digital education ng Department of Education at Information Technology and Digital infrastructures and Alternative learning modalities.
Mayroon ding 4 na bilyong piso para sa industriya ng turismo, dalawang bilyon ay inilaan bilang subsidiya ng gobyerno sa bayarin ng interest sa mga bago at existing loans na kinuha ng LGUS sa Land Bank of the Philipines at DBP.
Samantala, nakapaloob naman sa 25.5 bilyong pisong standby fund ang mga inisyatibo para sa covid 19 testing at pagbili ng mga gamot at bakuna kontra Covid-19.
Ulat ni Vic Somintac