Paggunita sa 16th anniversary ng Sept. 11 attack sa Amerika, pangungunahan ni US Pres. Donald Trump

Sa harap ng pananalasa ng Hurricane Irma sa ilang bahagi ng Amerika, pangungunahan ni United States President Donald Trump ang paggunita sa ika-16 na anibersaryo ng September 11 attack na gaganapin sa Ground zero memorial.

Magiging simple at tahimik lamang ang paggunita sa mahalagang okasyon.

Bukod sa New york, magkakaroon rin ng simpleng paggunita sa Pentagon ganundin sa White House na nadamay sa pag-atake ng mga terorista, 16 na taon na ang nakalilipas.

Magsasagawa rin ng Commemoration ceremony sa Shanksville, Pennsylvania kung saan naman bumagsak ang isa pang eroplanong hinayjack ng mga terorista.

Ang seremonya sa Shanksville Pennsylvania ay pangungunahan naman ni US Vice President Mike Pence.

Bagamat wala silang natatanggap na mga specific threats, patuloy namang naka-alerto ang US military bases sa buong mundo kaugnay sa pagdiriwang.

September 11, 2001, apat na magkakasunod na pag-atake ang gumimbal sa kasaysayan ng Estados Unidos. Apat na passenger airlines ang hinayjack ng 19 na Al-Qaeda terrorists na may layong pasabugin ang ilang mga landmark buildings sa Amerika.

Tinatayang nasa mahigit sa 2,900 na mga tao ang namatay sa nasabing trahedya kabilang na ang 19 na terorista.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *