Paggunita sa anibersaryo ng 1972 Martial Law, inaasahang mapayapa

 

Nagkasundo ang iba’t – ibang grupo ng mga militante, religious group at pulisya para sa mapayapang paggunita sa deklarasyon ng Martial law sa Biyernes, Setyembre 21.

Sa ginanap na dayalogo sa Club Intramuros, inilatag ng pulisya ang paghahanda sa seguridad at kaayusan, deployment ng police personnel at iba pa.

Inirekomenda rin ng Manila Police district o MPD ang aktibidad sa Quirino Grandstand habang sa Burnham green na lamang ang mga pro-Duterte group.

Magpapakalat ng 4,000 pulis kasama na ang augmentation at force multipliers.

Tiniyak ni National Capital Regional Police Office o NCRPO Director Guillermo Eleazar ang pagpapairal ng maximum tolerance.

Siniguro naman ni Teddy Casiño ng Bayan Muna na tatalima sila sa napagkasunduan tulad nang pagkuha ng permit sa venue ng rally mula sa lokal na pamahalaan ng Maynila.

 

===============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *