Paghahain ng aplikasyon at nominasyon para sa susunod na Chief Justice, itinakda sa Sept 29 hanggang Oct. 15
Bubuksan na ng Judicial and Bar Council ang paghahain ng aplikasyon at nominasyon para sa susunod na Punong Mahistrado.
Ayon kay Justice Secretary at JBC ex- officio member Menardo Guevarra, itinakda ang pagsusumite ng aplikasyon para sa babakantehing pwesto ni Chief Justice Teresita De Castro sa September 29 hanggang October 15.
Otomatikong nominado sa pwesto ang limang most senior na associate justice ng Korte Suprema.
Ang mga ito ay sina Antonio Carpio, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo at Estela Perlas-Bernabe.
Magreretiro si De Castro sa Oktubre 8 kung kailan sasapit siya sa mandatory retirement age na 70 anyos.
Magsisilbi lang si De Castro na Punong Mahistrado sa loob ng 41 araw na pinakamaikling panunungkulan ng isang Chief Justice sa kasaysayan ng bansa.