Paghahatid ng ayuda sa COVID-19 patients sa San Ildefonso nagpapatuloy
Tuloy-tuloy lang ang lokal na pamahalaan ng San Ildefonso sa Bulacan, sa pamamahagi ng food packs sa mga pasyente ng COVID-19 at kanilang pamilya, sa pangunguna ni Mayor Carla Galvez-Tan sa tulong ng Municipal Social Welfare and Develoent (MSWD) officer Kieron Viudez.
Hindi naging sagabal ang panganib ng sakit na maaaring makaharap ng frontliners, mahatiran lamang ng ayuda ang kanilang mga kababayang tinamaan ng COVID-19 at naka home quarantine.
Dahil hindi maaaring makalabas para bumili ng kanilang pang-araw-araw na kailangan, kaya naisip ng lokal na pamahalaan na padalhan na lamang sila ng food packs at hygiene kits.
Samantala, muling nagpaalala ang mga kinauukulan sa publiko na mag-ingat at sundin ang health at safety protocols, at manatili na lamang sa bahay kung wala namang mahalagang gagawin o pupuntahan sa labas.
Ulat ni Hazel Cruz