Paghalal ng Mayorya kay Cong. Suarez bilang Minority leader, Grave abuse of Discretion

 

Nangangalap na ng mga dokumento ang grupo ni ABS Partylist Representative Eugene De Vera bilang paghahanda sa idudulog nilang petisyon sa Korte Suprema laban sa pagkakahalal ng plenaryo kay Quezon Representative Danilo Suarez bilang Minority leader.

Sa panayam ng Saganang Mamamayan, sinabi ni De Vera na kabilang sa kanilang mga pinag-aaralan ay mga certified true copies kabilang ang journal na naglalaman ng mga diskusyon sa House of Representatives.

Binigyang-diin ni De Vera na ang pagboto ng mayorya sa minorya ay isang Grave Abuse of Discretion.

Nais ding mapatunayan ng Kongresista kung tama ba ang ginawang paraan ng mababang kapulungan sa paghalal ng minority leader o ang ihahain nilang petisyon sa hukuman.

“Ito naman pong ating ipinaglalaban ay isang Legal Right. Nakita ko yung Grave abuse of discretion na ang Mayorya ang bumoto sa Mayorya eh parang hindi naman po tama yun”.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *