Pagharap nina Presidential son Paolo Duterte at Presidential son in law Attorney Manases Carpio sa Senado hindi panghihimasukan ni Pangulong Duterte ayon sa Malakanyang
Tiniyak ng Malakanyang na hindi manghihimasok si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagharap nina Vice Mayor Paolo Duterte at Attorney Manases Carpio sa Senate Blue Ribbon Committee.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella malinaw ang posisyon ng Pangulo na kayang ipagtanggol nina Vice Mayor Duterte at Attorney Carpio ang kanilang sarili sa Senado.
Ayon kay Abella ang pagharap nina Vice Mayor Duterte at Attorney Carpio sa Senado ay patunay lamang na handang harapin ng dala ang paratang sa kanila ni Senador Antonio Trillanes.
Sina Vice Mayor Duterte at Attorney Carpio ay iniuugnay ni Senador Trillanes sa smuggling activities sa Bureau of Customs kaugnay ng 6.4 bilyong pisong halaga ng shabu na naipuslit mula sa China.
Ulat ni: Vic Somintac