Paghihigpit sa mga wala pang anti COVID-19 sa ilalim ng alert level 2 nasa kamay na ng mga LGU’s – Malakanyang
Nasa kamay na ng mga Local Government Units o LGUS ang paghihigpit sa paglabas ng mga wala pang anti COVID -19 vaccine sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 2.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na malinaw ang guidelines ng Inter Agency Task Force o IATF na kailangang may pinagtibay na ordinansa ang mga LGUS para sa pagkontrol sa galaw ng mga wala pang bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Nograles layunin ng paghihigpit sa wala pang bakuna ay para maprotektahan ang mga ito na huwag mahawa ng COVID 19.
Simula sa February 1 hanggang February 15 nasa ilalim na ng alert level 2 ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, Batanes, Biliran, Southern Leyte at Basilan.
Vic Somintac