Paghimay sa panukalang pambansang budget sa 2023, sisimulan na ng Senado
Sisimulan na ng Senado ang paghimay sa panukalang pambansang budget para sa susunod na taon na aabot sa 5.268 Trillion pesos.
Sinabi ni Senator Sonny Angara na Chairman ng Senate Committee on Finance na unang ipinatawag ang mga opisyal ng Development Budget Coordination Committee.
Tiniyak ni Angara na isa sa magiging prayoridad ng pondong paglalaanan sa susunod na taon ang health sector o pagpapalakas ng healthcare system.
Bahagi rin aniya ng priority ang pagbibigay ng tulong ng gobyerno sa mga marginalised sector na hindi pa rin nakababangon dulot ng pandemya.
Titingnan aniya ng Senado ang support programs para sa mga malilit na negosyo, tulad ng credit program at paano magiging attractive ang ating workforce sa foreign investors.
Sinabi ni Angara mahalaga na matukoy ang mga priority sa paglalaanan ng budget para sa tuloy -tuloy na pagbangon ng ekonomiya ng bansa .
Sa kalagitnaan ng Oktubre, target ng Senado na maipasa ito sa Committee level para mailatag sa plenaryo sa pagbabalik ng sesyon sa Nobyembre.
Meanne Corvera