Paghingi ng pardon o clemency sa mga pinoy na nasa death row sa Saudi, pinag-aaralan na ng Malakanyang
Kasabay ng nakatakdang state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kingdom of Saudi Arabia, sinabi ng Department of Foreign Affairs na pinag-aaralan ng migrant workers affairs kung maari nang isulong ang paghingi ng pardon o clemency sa ilang pinoy na nasa death row.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA Assistant Secretary for Middle East and African Affairs Jayceelyn Quintana 31 Pinoy ang nasa death row ngayon sa Saudi.
Karamihan sa kanila ay sangkot sa kasong pagpatay.
Samantala, isang Pinoy naman ang nahaharap sa parusang kamatayan sa Bahrain.
Tiniyak naman ni Asec. Quintana na sapat ang tauhan ng pamahalaan na tutulong sa legal na aspeto ng ilan pang Pinoy na nahaharap sa ibat-ibang kaso sa Gitnang Silangan.
Ulat ni: Vic Somintac