Pagkabalisa umaatake ngayon sa Shanghai dahil sa Covid-19 cases surge

The eastern half of Shanghai was placed in lockdown on Monday as coronavirus cases in the city swelled Hector RETAMAL AFP

Nakapagtala ang Shanghai ng mataas na pag-akyat sa mga kaso ng Covid-19 ngayong Martes, habang nagbunga naman ng panic buying sa mga supermarket ang pagkabalisa ng humigit-kumulang 25 populasyon ng siyudad.

Ngayong Martes, ang China ay nag-ulat ng 6,886 domestic Covid cases sa buong bansa, na ang higit 4,400 sa mga ito ay na-detect sa Shanghai, na siya na ngayong sentro ng pinakamalalang Covid-19 outbreak sa bansa simula nang mag-umpisa ang pandemya.

Naubos naman ang laman ng mga shelves sa ilang supermarket sa siyudad.

Upang mapanatiling tumatakbo ang ekonomiya ng Shanghai, iniwasan ng mga awtoridad na magpatupad ng hard lockdowns na regular na ipinatutupad sa iba pang lungsod sa China, sa halip ay pinili nito ang rolling, localised restrictions.

Ang lugar na isinailalim sa lockdown nitong Lunes ay ang eastern district na kilala sa tawan na Pudong, na kinaroroonan ng main international airport at financial centre.

Ayon sa state media, ang mga paliparan, istasyon ng tren at international shipping ports ay namamalaging operational, habang ang mga pangunahing manufacturer ay pinayagang mag-resume ng produksiyon makaraan ang saglit na pagkatigil.

Malaking bahagi ng virus outbreaks ang nakontrol ng China sa nakalipas na dalawang taon, sa pamamagitan ng mahigpit na zero-tolerance measures kabilang ang mass lockdowns ng mga siyudad at lalawigan kahit maliit lamang ang bilang ng mga kaso.

Ngunit napatunayang mas mahirap sawatain ang Omicron.

Ayon sa health expert na si Wu Fan . . . “It was necessary to take more resolute measures to eliminate community transmission.”

Please follow and like us: