Pagkain ng alamang o hipon mula sa baybayin ng Carles, Iloilo, bawal muna dahil sa pamumula ng tubig

Ipinagbawal muna ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources- Region 6 ang pagkain at pagbebenta ng mga uri ng shellfish at acetes (alamang o hipon) sa baybayin ng Sitio Luyo, Poblacion, Carles, Iloilo kasunod ng nangyaring discoloration sa tubig.

Nakasaad sa ipinalabas na local advisory ng BFAR, batay sa isinagawang water sampling sa nasabing baybayin, may presensya ng ๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ถ๐˜ฎ ๐˜ฒ๐˜ถ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฒ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ฆ o tinatawag na dinoflagellate sa katubigan.

Ito ay marine plankton o algae na karaniwang lumalabas sa mga freshwater habitats.

Pero paliwanag ng BFAR, hindi ito mapanganib sa mga tao gayunman, nagpalabas pa rin ng precautionary advise ang ahensya bilang pag-iingat.

Ang pagbawal muna sa pagkain ng mga shellfish ay epektibo habang may discoloration pa sa karagatan.

Please follow and like us: