Pagkaka-hack sa website ng Kamara iniimbestigahan na

Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na nagkaroon ng hindi otorisadong pag-access sa website ng house of representatives.

Sinabi ni Velasco na agad na gumawa ng hakbang ang liderato ng kamara para ma-address ang isyu ng website hacking.

Inihayag ng liderato ng Kamara na tumutulong na ang Department of Information and Communications Technology o DICT, Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC  at mga law enforcement agencies ng pamahalaan para matukoy kung sino ang nasa likod ng website hacking sa electronic database record ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Humingi ng pasensiya at pang-unawa ng publiko ang liderato ng Kamara habang gumagawa ng hakbang ang mga cyber expert ng gobyerno para maisaayos ang website na napasok ng mga hackers.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *