Pagkakabasura ng appointment ni DAR Sec. Rafael Mariano sa CA, inaasahan na niya
Inaasahan na ni Secretary Rafael Mariano na ibabasura ng Commission on Appointments ang kaniyang kumpirmasyon bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform.
Ayon kay Mariano, mas nanaig ang interes ng mga landlord at may monopolyong lupa kumpara sa kapakanan ng mahihirap na magsasaka.
Tinawag naman ni Mariano na baseless at malisyoso ang mga alegasyon laban sa kanya partikular na ang pagdawit sa umano’y pagpa-plano at pagsalakay ng CPP NPA NDF sa Lapanday group of companies at pamilya Lorenzo sa Davao City at Panabo Davao Oriental.
Pero hindi niya ititigil ang kaniyang adbokasiya na tulungan ang mga magsasaka laban sa mga landlord.
Si Mariano na ang ika-apat na miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte na nireject ng CA.
Magugunitang ni reject din ng CA sina dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, dating DENR Secretary Gina Lopez at dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo.
Ulat ni: Mean Corvera