Pagkakahalal kay Health Sec. Duque bilang chairman ng WHO Regional Committee for the Western Pacific malaking tulong sa bansa
Malaking tulong umano para sa Pilipinas ang pagkakahalal kay Health Secretary Francisco Duque III bilang chairman ng World Health Organization o WHO Regional Committee for the Western Pacific.
Ito ang iginiit ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire kasunod na rin ng ilang kritisismo sa pagkakatalaga kay Duque sa nasabing posisyon sa gitna ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan nito partikular ang isyu ng katiwalian sa Philhealth.
Giit ni Vergeire, napakahalaga ng ginagampanang tungkulin ng kalihim ngayon bilang chairperson ng WHO Regional Committee for the Western Pacific.
Kung titignan, malaking advantage aniya para sa bansa ang posisyon ni Duque lalo na sa usaping- pangkalusugan at COVID-19 response.
Tiniyak naman ni Vergeire na sa kabila ng mga batikos ay tuloy-tuloy si Duque at ang kagawaran sa kanilang trabaho.
Madz Moratillo