Pagkakalagay ng West Philippine Sea sa Google Maps, katunayan ng soberenya ng Pilipinas sa lugar

Ikinatuwa ng liderato ng Kamara ang pagkakalagay ng West Philippine Sea sa Global Platforms na Google Maps.
Sinabi ni House Speajer Martin Romualdez, na welceme development ang pagkilala ng Google Maps sa West Philippine Sea, dahil ito ay nagpapatunay lamang sa soberenya ng bansa at international recognition sa lugar.

Ayon kay Romualdez, “The proper and consistent labeling of the West Philippine Sea on the widely used platform Google Maps is welcome news for every Filipino. This simple yet powerful update reflects the growing global acknowledgement of the Philippine sovereign rights over the maritime areas within our Exclusive Economic Zone. This reinforces what we have long asserted that these waters are part of the Philippine territory and all must respect our sovereign rights.”
Sinabi ni Romualdez, na ang desisyon ng Google ay nakabatay sa matagal nang posisyon ng Pilipinas alinsunod sa 2016 arbitral ruling na kumikilala sa legal rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa ilalim ng International Law.
Inihayag pa ng lider ng kamara, na ang paglalagay ng West Philippine Sea sa Google Maps ay isang makasaysayang pagkilala s akarapatan at soberenya ng Pilipinas, at ipinapakita nito sa mata ng mundo na may legal na batayan ang pag-aangkin ng gobyerno sa mga pinagtatalunang teritoryo.
Vic Somintac