Pagkakamali sa paggawa ng spot report kaugnay ng Lamitan shooting incident, inamin ng PNP
Aminado ang Philppine National Police na nagkaroon ng pagkakamali sa paggawa ng spot report kaugnay ng shooting incident na naganap noong sabado ng gabi sa Lamitan City, Basilan .
Ito ay matapos pagbabarili ng hindi pa nakikilalang suspek bandang alas siete ng gabi noong sabado ang isang lalaki sa harap ng kanilang bahay sa Sitio Muhibal, Brgy. Campo Uno, sa Lamitan city .
Anim na basyo ng bala ng garand rifle ang narecover sa crime scene sa unang spot report na ipinadala ng Lamitan Police .
Kinilala ang biktima na si Bhis Asdali Isniyan Yumol na umano’y kamag -anak ng Ateneo shooter at murder suspek na si Dr.Chao Tiao Yumol.
Pero makalipas ang ilang oras bigla itong binawi ng Lamitan police at inalis ang yumol sa pangalan nito.
Pinagpaliwanag na ng PNP ang Lamitan city Police ukol sa insidente.
Giit ng officer- in- charge na si Police Lieutenant Colonel Tadzhabel Managola, nagkamali sa pag-edit ng spot report ang kanilang imbestigador.
Nakita na nagkaroon ng pagkakamali ang nag-isyu ng corrected copy at giit ng PNP wala talagang kaugnayan sa pamilya Yumol ang panibagong biktima ng pamamaril sa Lamitan.
Bilang katunayan inilabas nila ang valid ID ng biktima.
Sumasailalim na sa imbestigasyon ang pulis na nahaharap sa kasong administratibo na Neglect of duty.
Kaya paalala ng PNP sa kanilang mga tauhan maging maingat sa paglalabas ng impormasyon sa publiko.
Base sa nakuhang impormasyon ng PNP wala ng natitirang miyembro ng pamilya Yumol sa Lamitan city.
Bago pa ang nangyaring pamamaril sa ama ni Dr. Yumol ay umalis na raw sa lugar ang ina at mga kapatid nito para na rin sa kanilang seguridad.
Tumanggi din daw ang pamilya Yumol sa inaalok na seguridad sa kanila ng PNP dahil gusto nila ng privacy.
Mar Gabriel