Pagkakapasa ng BBL, welcome development para sa ARMM
Inaasahan na ng ARMM ang pagkakapasa ng Bangsamoro Basic law o BBL lalu pa’t sinertipikahang urgent ito ni Pangulong Duterte.
Sa panayam ng programang Eagle in Action, sinabini ARMM Governor Mujiv Hataman, welcome development para sa kanila ang pagkakapasa ng BBL dahil ito ang magiging inisyatibo ng peace agreement sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front o MILF.
Hangad ni Hataman na magpapatuloy pa rin ang mga sinimulan nilang programa .
Pero binigyang-diin ng ARMM Governor na kahit pa nakasaad sa final version ng BBL ang paglusaw sa ARMM, hindi aniya ito mahalaga dahil ang importante ay makamit ang pangamatagalang kapayapaan sa rehiyon.
“Kung yun ang magiging pinal na bersyon na abolishon, definitely malulusaw ang ARMM, at papasok ang bagong porma ng gobyerno pero hindi mahalaga sa kin yun dahil ang hinahanap naman po natin paanu magsilbi at magkaroon ng ganap na kapayapaan”.
============