Pagkalat ng COVID-19 kaya pang kontrolin… DOH pinuri ng WHO
Naniniwala ang World Health Organization (WHO) na kayang makontrol ang pagkalat ng COVID-19 at mapigilan itong maging global pandemic.
Sa kabila ito ng pagtaas pa ng bilang ng mga tinatamaan ng sakit at pagdami ng mga naaapektuhang babsa.
Sa briefing sa Malakanyang sinabi ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, WHO representative sa Pilipinas, kinakailangan lamang maipatupad ang mga mitigating measures para maiwasan ang pagkalat ng virus gaya ng social distancing at proper hygiene.
Ayon kay Dr. Rabi, kinikilala ng WHO ang excellent na trabaho ng Department of Health (DOH) sa surveillance at risk assessment.
Kasabay nito, pinapayuhan ng WHO ang mga may respiratory symptoms na iwasan ng pumasok sa trabaho o klase at pagpunta sa pampublikong lugar.
Ulat ni Vic Somintac