Pagkansela sa lisensiya ng Rappler usapin ng pagsunod sa batas at hindi isyu ng press freedom ayon sa Malacañang
Walang kinalaman ang isyu ng press freedom sa pasiya ng Security and Exchange Commission o SEC na ipawalang bisa ang lisensiya ng on line media na Rappler.
Binigyang diin ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na ang kuwestiyon dito ay kung nakatugon ba ang Rappler sa itinatakda ng batas patungkol sa restriksiyon hinggil sa pagma may – ari ng media entity dito sa bansa.
Dagdag ni Roque na ginawa lang ng SEC ang mandato nito na matiyak na nare – regulate ang corporate sector partikukar na ang mga kumpanyang kailangang may 100% filipino ownership gaya ng media.
Ayon kay Roque hindi exempted dito ang news organization na Rappler dahil walang sinoman o anoman ang dapat na mangibabaw sa ipinaiiral na batas.
Ulat ni Vic Somintac