Pagkatao ni dating Senador Benigno Aquino Jr. bilang bayani ng bayan, nakakaduda- Atty. Larry Gadon
Pinagdududahan ni Atty. Larry Gadon ang pagkakadeklara kay dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. bilang isa sa mga bayani ng bansa.
Sa panayam ng programang Eagle in Action ng Radyo Agila, sinabi ni Gadon na mas maginhawa sana ang buhay ng mga Filipino kung hindi nahalal bilang Pangulo ang maybahay at anak ni Ninoy na si Cory at Noynoy Aquino.
Hinimok ni Gadon ang mga mamamayan na maging matalino na at huwag magpadala sa mga “dilawan” na nagpasimuno na si NInoy ay dapat ituring na bayani.
Kahapon ginunita ng bansa ang ika-36 anibersaryo ng kamatayan ni Ninoy.
“Si Ninoy ang pinaka-traydor na Filipino na nabuhay. Ang mga Aquino ang nagpahamak sa ating bansa. Sana ay mas maunlad tayo, sana ay mas tahimik tayo, sana ay mas magaan ang ating pamumuhay kung hindi dahil sa mga Aquino at Edsa 1 na yan. Sila ang nagpahamak sa ating bansa”.