Pagkuha kay Griffin bilang head coach, kinumpirma ng Bucks
Kinumpirma ng Milwaukee Bucks na kinuha nila si Adrian Griffin bilang bagong head coach ng koponan, kasunod ng pagsibak kay Mike Budenholzer noong isang buwan.
Ang 48-anyos ay makakasama ng team makaraan ang limang seasons nito bilang assistant sa Toronto Raptors.
Sinabi ni Bucks general manager Jon Horst, “Adrian is a widely-respected coach and former player, who brings great leadership and experience to our team. His championship-level coaching pedigree, character, basketball acumen and ability to connect with and develop players make him the ideal choice to lead our team. He has earned this opportunity.”
Ang appointment ni Griffin ay kasunod ng nakabibiglang first-round exit ng Milwaukee mula sa Eastern Conference playoffs na naging sanhi ng pagpapatalsik kay Budenholzer noong Mayo 4.
Ayon kay Griffin, “The Bucks are a championship organization and I’m thrilled to work with an established roster of high character and talented players. I’m excited to be back in Milwaukee and I can’t wait to get started.”
Sinimulan ni Griffin ang kaniyang coaching career sa NBA kasama ng Bucks noong 2008, kung saan naging isa siyang assistant sa noo’y head coach na si Scott Skiles.
Nagtapos ang Bucks sa 2022-2023 regular season sa 58-24 best record ng liga, ngunit na-eliminate sila ng 8th seeded na Miami Heat sa limang laro sa first round ng playoffs.
Si Budenholzer, na two-time Coach of the year na gumabay sa Bucks sa kanilang unang NBA title sa loob ng 50 taon noong 2021, ay sinibak sa dakong huli.