Pagkuha ng biometric data ng mga kliyente ng bangko, posibleng isulong ng economic team ng Pangulo
Posibleng ipag-utos na sa mga bangko ang pagkuha ng mga biometric data ng kanilang mga kliyente.
Ito ang pinag aaralan ngayon ng economic team ng Duterte administration
Layunin nito na madagdagan pa ang lebel ng seguridad at proteksyunan ang mga bank client sa gitna ng tumataas na mga insidente ng hacking at data theft sa iba’t ibang sektor sa kasalukuyan.
Ayon kay Nestor Espenilla Jr., Deputy Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nakausap na niya ang mga kinatawan ng Bankers Association of the Philippines at kanila nang natalakay ang naturang isyu.
Gayunman, mas mapapalakas aniya ang panukala kung magkakaroon ng executive order ukol dito.