Paglabag ng bus companies, nadiskubre sa surprise inspection ni Sen. Raffy Tulfo

Courtesy office of Sen Raffy Tulfo
Nadiskubre ni Sen. Raffy Tulfo ang iba’t ibang mga paglabag ng mga kompanya ng bus.
Ito ay matapos magsagawa ng surprise inspection ni Tulfo, na chairman ng Senate Committee on Public Services, sa mga motorpool ng bus companies, kasama ang ilang kawani ng Land Transportation Franchsiing and Regulatory Board (LTFRB).

Courtesy office of Sen Raffy Tulfo
Bumulaga sa senador ang samu’t saring mga paglabag, gaya ng kawalan ng tamang safety gears para sa mga mekaniko, ang mga makina aniya na ginagamit sa maintenance ay nakatiwangwang at sanga-sanga ang linya ng kuryente na ang iba ay naka-tap lang.
Wala ring gloves, working boots, apron o anumang safety googles na delikado para sa mga manggagawa.

Courtesy office of Sen Raffy Tulfo
Hinahapan din ng senador ng TESDA certificate ang mga mekanino, pero marami sa kanila ay walang ganitong kasanayan at hindi compliant sa sa makabagong training procedure.
Giit ng senador, mahalaga ang ganitong training at certification dahil dito ay itinuturo ang tamang maintenance sa mga pampublikong bus para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Courtesy office of Sen Raffy Tulfo
Pinagsusumite na ng senador ng report ang mga kompanya ng bus sa LTFRB, saka ito isusumite sa susunod na pagdinig ng Senado.
Meanne Corvera