Paglaban sa COVID-19 at Dengue, tinutukan sa huling yugto ng Brigada Eskuwela sa E. Rodriguez Jr. HS sa QC
Isinagawa ang huling bahagi ng Brigada Eskuwela tugon sa hamon sa Ligtas na Balik-Aral sa E. Rodriguez Jr. High School sa Quezon City.
Sinabi ni Ginang Gina Obierna, Principal ng E. Rodriguez Jr. High School na nagsagawa na ng anti-dengue spray sa buong compound ng kanilang paaralan.
Ayon kay Ginang Obierna, nakahanda rin ang mga pasilidad ng kanilang paaralan para sa health protocol dahil pa rin sa Pandemya ng COVID-19 tulad hand washing stations, thermal scanner, clinic at isolation room.
Inihayag ni Ginang Obierna na nasa halos 3,000 ang bilang ng mga estudyante na nag-enroll sa kanilang paaralan para sa Academic year 2022- 2023.
Nagtungo din sa E. Rodriguez Jr. High School si Quezon City si 1st District Congressman Arjo Atayde at nagbigay ng tulong pinansiyal at office supplies na kakailanganin sa pagbubukas ng face to face na klase sa August 22.
Vic Somintac