Paglago ng ekonomiya bunga ng biyahe ni PBBM
Pinuri ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. si Pangulong Bong Bong Marcos at mga Economic Managers ng Malacañang dahil sa paglago ng ekonomiya.
Ayon kay Revilla, ang paglago ng ekonomiya ay katunayang nagbunga ang biyahe ng Pangulo at kampaniya sa ibang bansa na mamuhunan sa Pilipinas.
Sinabi ni Revilla na ang paglago ng ekonomiya sa 7.2 percent mula sa 5.9 percent ay nangangahulugan na tinalo na nito ang mga kapalit bansa tulad ng Vietnam na may 5.3 percent, Indonesia at China na 4.9 percent at Malaysia na pumalo na sa 3.3 percent.
Katunayan rin aniya ito na nasa tamang direksyon ang Marcos Administration.
Ang kailangan ngayon ayon sa Senador magtulungan lalo na kung paano mararamdaman ng mga kababayan ang pag-usad ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbaba ng presyo ng mga bilihin.
Meanne Corvera