Paglalaan ng P20 billion pesos para sa rehabilitasyon ng mga lalawigang naapektuhan ng Bagyong Odette , Isinusulong
Isinusulong sa Senado ang panukalang batas na maglaan ng dalawampung bilyong piso para rehabilitasyon ng mga lalawigang sinalanta ng Bagyong Odette.
Sa Senate bill 2487 na inihain ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na tinawag na paglaum funds, popondohan ang mga probinsya tulad ng Dinagat island at Siargao.
Ito’y para mabilis na makarekober ang probinsya sa epekto ng hagupit ng bagyo.
Batay aniya sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council umabot sa mahigit 2.2 million na mga pamilya ang nawalan ng bahay at tinamaan ng bagyo habang aabot sa 17.7 billion sa imprastraktura bukod pa sa 11.5 billion na agricultural damage.
Sa panukala, ang DBM ang naatasang tumukoy sa mga proyektong magiging priority na matustusan ng ilalaang pondo.
Umaasa ang Senador na maipapasa ito bago matapos ang termino ng 18th congress sa hunyo.
Meanne Corvera