Paglalabas ng passports, maaantala ng ilang araw – DFA-Office of Consular Affairs

Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs- Office of Consular Affairs (DFA-OCA) ang publiko na maaantala ng ilang araw ang paglalabas at paghahatid ng mga pasaporte.

Ayon sa DFA-OCA, partikular na rito ang mga passport application noong nakaraang linggo na naapektuhan ng system downtime bunsod ng maintenance work ng service provider.

Pinayuhan ng DFA-OCA ang mga aplikante na makipag-ugnayan sa kani-kanilang consular office o foreign service post.

Tiniyak ng DFA-OCA na umuugnay ito sa service provider na APO Production Unit, Inc.para masiguro na magbabalik sa normal ang serbisyo nito sa lalong madaling panahon.

Humingi ng paumanhin at pag-unawa ang kagawaran sa mga naapektuhan.

Moira Encina- Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *