Paglalayag ng mga sasakyang pandagat sa hilagang luzon, pinagbawalan ng PCG dahil sa bagyong Odette
Hindi na muna maaring maglayag sa Northern Luzon ang lahat ng uri ng sasakyang pandagat dahil sa Bagyong Odette.
AYON KAY Philippine Coast Guard Spokesperson Commander Armand Balilo, pinagbabawalan ang paglalayag ng mga barko at motor banca at pagtungo sa laot ng mga mangingisda sa Batanes, Cagayan, Babuyan Group of Islands, Apayao, Ilocos Norte, Isabela, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Sur, La Union at Benguet.
Tiniyak ni Balilo na naka-alerto na rin ang pcg sa Northern Luzon para sa alinmang insidente sa karagatan.
Pinapayuhan din ng PCG ang mga residente malapit sa baybaying dagat na maging mapagmatyag dahil sa posibilidad ng storm surge o pagtaas ng alon.
Ulat ni Moira Encina