Clinical Trial kontra Covid-19 daraan sa masusing Selection process – ayon sa eksperto
Nilinaw ng eksperto na walang katiyakan na malilikha ang isang bakuna sa loob lamang ng anim na buwan.
Ayon kay Dra. Lulu Bravo, Executive Director ng Philippine Foundation for Vaccination, umabot na sa mahigit na 200 ang ginagawang posibleng bakuna laban sa Covid-19.
Nag-uunahan aniya ang Pharmaceutical company sa ibat-ibang bansa sa paggawa ng bakuna laban sa Covid-19 at lahat aniya ng kumpanya na gumagawa ng bakuna tulad ng United Kingdom, Amerika, India, China, Vietnam at iba pa.
Paliwanag pa ni Bravo, nasa 20,000 subjects to volunteers ang isinasailalim sa Phase 3 clinical trials.
Samantala, ayon naman kay Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development ng DOST na ang pagsali sa clinical trials ay dadaan sa isang masusing selection process.
Isasagawa aniya ang Clinical trials sa mga lugar na may mataas na kaso ng Covid-19 at kabilang sa inirekomenda ay ang anim na lugar sa Metro Manila, isa sa Calabarzon at isa sa Cebu.
Muling binigyang-diin ni Bravo na habang wala pang bakuna laban sa Covid -19 dapat na sundin ng publiko ang mga ipinatutupad ng Safety Protocols gaya ng pagsusuot ng Face mask, Faceshield at Physical distancing upang mapigilan o makontrol ang pagkalat ng Covid-19.
Belle Surara