Paglikha sa Office of the Judiciary Marshals, sisimulan sa unang quarter ng 2023

Inaasahang mabubuo na sa unang quarter ng 2023 ang Office of the Judiciary Marshal.

Ang judiciary marshals ay magiging nasa ilalim ng Korte Suprema sa pamamagitan ng Office of the Court Administrator.

Layon ng paglikha nito na mapigilan at maresolba ang mga krimen laban sa mga mahistrado, hukom, court employees at court properties.

Maipipreserba din ang independence ng hudikatura sa pamamagitan ng pagtiyak sa seguridad ng judges at court personnel.

Sa SC Meets The Press, inihayag ni Supreme Court Associate Justice Jose Midas Marquez na unang magtatalaga ng Chief Marshal at mga Deputy Marshal sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Pagkatapos nito ay bubuuin naman ang iba’t ibang tanggapan sa ilalim ng Office of the Judiciary Marshal.

Walang nakikitang problema si Marquez sa paglikha ng tanggapan dahil may pondong nakalaan dito sa ilalim ng 2023 National Budget.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *